Handa nang tumanggap ng donasyon mula sa mga pribadong indibidwal o grupo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ayon kay NRRMC Spokesman Mark Timbal, nagbukas na sila ng mga hotline para sa mga nais magpa-abot ng tulong gaya ng pagkain at malinis na inuming tubig.
kabilang anya sa mga maaaring tawagan o i-text ang mismong NDRRMC sa 0917-827-57-43 at DSWD HOTLINE 0927-436-10-39 at ilang non-government organization.
Binilaan naman ni Timbal ang publiko laban sa mga grupo o indibidwal na humihingi ng donasyon para s mga biktima ng bagyo.
Tatawag sa inyo, out of the blue at sasabihin na taga-NDRRMC sila o Office of the Civil Defense o DSWD. bakit po, hindi po kami ang tatawag sa inyo, kayo po ang tatawag sa amin at tsaka po natin sisimulan ang koordinasyon. Hindi po yung kami ang manghihingi dahil kapag nangyari po iyon magtaka po kayo dahil hindi iyon parte ng ating sistema. – Tinig ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal, sa panayam ng DWIZ