Bumili lamang ng gamot sa mga rehistrado at lisensyadong botika.
Ito ang paulit-ulit na paalala sa publiko ni Eric Domingo, officer-in-charge ng Food and Drug Administration, sa panayam ng DWIZ, matapos ihayag ng isang ahensya ng United Nations na nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na insidente ng pagkalat ng pekeng gamot.
Ayon kay Domingo, mas pina-igting pa nila ang pag-iikot ng kanilang mga regulatory agents sa iba’t ibang mga botika at ospital upang matiyak na walang nakalulusot na pekeng gamot sa kanilang mga stocks.
Nagtutulungan na rin aniya ang mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries para labanan ang insidente ng pagkalat ng mga pekeng gamot.
Babala pa ni Domingo, mas madalas na pinepeke ang mga branded na gamot dahil posible aniyang mas madali itong ibenta.
Hindi rin aniya tiyak kung ano ang epekto ng mga pekeng gamot sa kalusugan ng isang tao… dahil hindi nga rehistrado ang mga ito, hindi rin tukoy kung ano ang content ng mga pekeng gamot.
And of course ‘yung atin pong publiko ay atin pong iniinform at pinapakiusapan na talagang, dapat naman po kung gamot bibili lamang sa mga botika talaga na rehistrado,” ani Domingo.
Ratsada Balita Interview