Binalaan ng isang doktor ang publiko laban sa labis na pag-inom ng Vitamin C.
Inihayag ni Dra. Maricar Limpin, Pangulo ng Philippine College of Physicians na maaaring magdulot ng sakit ng tiyan kung sobra ang iniinom na Vitamins.
Ayon kay Limpin, marami ngayong bumabawi na lamang sa pag-inom ng Vitamins laban sa mga sakit, tulad ng COVID-19 dahil pahirapan pa ring bumili ng paracetamol sa mga botika.
Sa kabila nito, mainam naman anya ang regular na pag-inom ng vitamins lalo ngayong tumataas ang mga kaso ng COVID-19 basta’t huwag lamang sosobra sa ipinapayo ng mga doktor.
Binigyang-diin ni Limpin na kahit walang nararamdamang lagnat, ubo o sipon, dapat pa ring uminom ng Vitamins at maraming tubig. —sa panulat ni Mara Valle