Muling nagbabala sa publiko ang National Meat Inspection Service o NMIS na mapanganib ang pagkain ng karne ng aso.
Ginawa ni NMIS Meat Control Officer Elnora Ramones ang pahayag matapos matuklasang may mga nagbebenta pa rin umano nito sa iba’t ibang lugar tulad ng Cagayan Province lalo na ngayong Pasko.
Sinasabing ang asucena o dog meat ay niluluto at sinasahugan ng tomato sauce, green peas at breadcrumbs at paborito ng mga lokal na residente.
Subalit iginiit ni Ramones na bukod sa iligal ang pagbebenta ng karne ng aso ay makapagdudulot pa ito ng panganib sa kalusugan ng tao dahil sa posibleng rabies na makukuha mula rito.
By Jelbert Perdez