Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang publiko na gamitin ang cyber safety modules ng Department of Education (DEPED) para maprotektahan ang mga bata sa paggamit ng internet.
Ito’y sa gitna ng paglipat sa digital at online learning dahil sa COVID-19 pandemic.
Marami kasi anila sa mga mag-aaral ang gumagamit na ng virtual platforms na nagdulot ng pagtaas ng bilang ng “online exploitation at cyberbullying.”
Muli namang ipinanawagan ng CHR ang pagpasa ng House Bill no. 10703 o ang Anti-Sexual Abuse o Exploitation of Children (OSAEC) na layong magbigay ng protteksyon sa mga menor de edad laban sa mga krimen sa internet websites.