Dapat mabahala ang publiko sa pagpasok sa Pilipinas ng bagong subvariant ng Omicron na BF.7.
Ito ang sinabi ni Dr. Jose De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI), matapos kumpirmahin nitong Biyernes ng Department of Health (DOH) na mayroon nang apat na kaso ng BA.7 sa Pilipinas.
Ayon kay De Grano, mas highly transmissible ang bagong subvariant kumpara sa naunang variant ng virus.
Mabilis din itong makahawa kahit nabakunahan na kontra COVID-19 at tinamaan ng virus ang isang tao.
Nagpapaalala naman ang eksperto sa publiko lalo’t talamak ang party, na magdiwang na lang sa labas ng bahay at hindi sa espasyong walang bentilasyon.