Inihayag ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza na dapat maging maingat at huwag maging kampante ang publiko laban sa COVID-19 sa gitna ng pag-arangkada ng kampaniya ng mga lokal na kandidato para sa 2022 elections.
Ayon kay Atienza, na swerte umano ang Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa dahil mababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa kabila nito, iginiit Atienza na maraming bansa sa asya ang mayroong surge ng nakakahawang sakit o ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus.
Sinabi pa ni Atienza na hindi tayo handa sa posibleng mangyari dahil sa kabila ng mataas na bilang ng mga bakunadong Pilipino ay mayroon paring mahigit limampung milyong indibidwal ang hindi pa natuturukan ng booster dose.
Dahil dito, nagpaalala si Atienza sa publiko sa gitna ng kampaniya ng mga kandidato ngayong araw na panatilihing sundin ang minimum public health standards upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 at iba pang uri ng sakit. – sa panulat ni Angelica Doctolero