Naniwala ang isang eksperto na tanggap na nang maraming Pilipino ang pagsusuot ng facemasks para maproteksyunan ang sarili mula sa iba’t ibang uri ng sakit.
Ito ayon kay vaccine expert panel chair Dr. Nina Gloriani sa gitna ng pagluluwag sa mandatory na pagsusuot ng facemask sa mga open spaces o mga lugar na may mataas na bentilasyon.
Ani Gloriani wala siyang nakikitang problema sa pag-normalize mula sa pandemya subalit dapat magkaroon ng indicators bago payagang magluwag.
Kabilang na aniya dito ang pag-abot sa target na maturukan ng booster shot ang 50% ng populasyon.
Iginiit din ni Gloriani na mataas man o mababa ang vaccine rate dapat ay maging ‘way of life’ na nang mga Pilipino ang pagsusuot ng facemasks.