Nagpaalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na magtipid pa rin sa tubig.
Ito ay sa kabila ng pag-apaw ng Angat dam na isa sa mga pinagkukunan ng tubig ng Metro manila at mga kalapit na probinsya.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorological Division, ito ay upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng tubig at aabot pa ito sa tag-init.
Matatandaang kinailangan na magpakawala ng tubig ng Angat dam simula pa noong nakaraang linggo na nagresulta ng matinding pagbaha sa Bulacan dahil sa mabilis na pag-apaw nito.
By Rianne Briones