Umapela ang pamunuan ng Philippine General Hospital sa publiko na manatili sa kanilang mga bahay sa loob ng dalawang linggo, upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant.
Ayon kay PGH Spokesman, Dr. Jonas Del Rosario, kahit Alert level 3 at nakita na ng mga tao na sumipa ang COVID cases ay marami pa ring lumalabas at siksikan sa mga public transport.
Dapat anya ay higpitan pa ang ipinatutupad na restrictions at suspindehin ng publiko ang non-essential travel upang matiyak na maliit ang tsansa na mahawa sa COVID-19.
Aminado si Del Rosario na hindi niya tiyak kung sapat ang Alert level 3 kontra Omicron, kaya’t ang praktikal na payo nilang mga doktor ay iwasan munang gumala at tanging essential workers muna ang dapat lumabas.