Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na hindi seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito na hindi susundin ang Korte Suprema at Kongreso oras na pigilan ang idineklara niyang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Lacson, dapat na masanay na ang publiko sa rhetoric’s ng Pangulo
Iginiit ni Lacson na ang pagsunod ng Pangulo sa itinatakda ng konstitusyon na magsumite sa Kongreso ng Report sa loob ng 48 oras ay pagpapakita ng pagrespeto at pagpapahalaga nito sa konstitusyon.
Isa aniyang abogado ang Pangulo kaya’t batid nito na hindi niya maaaring balewalain ang Korte Suprema at Kongreso sa usapin ng Martial law.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno