Hinimok ng isang tech expert ang publiko na huwag paniwalaan ang mga personalized text scams na kanilang natatanggap.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Art Samaniego, isang Technology Editor, na layon lamang ng naturang texts na makapangloko at nakawan ang mga subscriber.
Ipinaalala ni Samaniego sa publiko na kung wala namang sinalihang contest o tinayaan ay hindi ka maaring manalo gaya ng mga isinasaad sa text scams.
Dapat aniyang maging mapanuri at maingat ang publiko kaugnay sa mga ipinapadalang link sa mga text dahil posibleng maapektuhan din ang mga taong malalapit sa subscriber.