Pinapayuhan pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na tutungo sa Tagaytay City na magsuot pa rin ng face mask.
Ito’y ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Ma. Antonia Bornas ay dahil sa nananatili pa rin sa papawirin ang abo na ibinuga ng bulkang Taal.
Binigyang diin ni Bornas, kailangan pa rin ang face mask dahil mapanganib pa rin ang mga malalanghap na abo sa kalusugan ng tao.
Kapansin-pansin pa rin aniya sa papawirin ng batangas at cavite ang tila mausok na tanawin na posibleng epekto ng abo na humalo rito