Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr ang mga Filipino na kilalanin at tularan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.
Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Monumento Circle sa Caloocan City kung saan nag-alay siya ng bulaklak bilang pagdiriwang sa ika-isandaan limampu’t siyam na kaarawan ni Bonifacio.
Pinangunahan ng punong ehekutibo ang flag-raising ceremony at kasama sa pag-aalay ng bulaklak si Dr. Rene Escalante, Chairman ng National Historical Commission of the Philippines at AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro kasabay ng 21-gun salute.
Ayon kay PBBM, nanatiling buhay ang diwa ng ipinaglaban ni Bonifacio sa pamamagitan ng mga ginagawa na may kaakibat na “sense of duty” at pagiging makabayan.