Dapat tulungan ang publiko na mapababa ang gastusin habang naka- lockdown.
Ayon ito kay Senate Committee on Economic Affairs Chair Imee Marcos matapos manawagan sa dti na pigilan muna ang pag apruba sa hirit ng manufacturers na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni marcos na ang tinatayang nasa 3 hanggang 5 percent na pagtaas sa presyo ng bilihin ay malaking bagay para sa mga manggagawang arawan at maliit ang sahod at walang kikitain sa dalawang linggong lockdown.
Sa isinagawang price survey ng tanggapan ni marcos sa mga sari sari store at mga supermarket sa metro manila ..lumitaw na ang tipikal na food products na binibili ng mga ordinaryong pinoy ay sardinas, canned meat, instnt noodles, kape at gatas na tumaas ng kinse sentimos hanggang piso.
Premature pa aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil hindi pa naman naisasapubliko ng dti ang pinakahuling srp o suggested retail price para sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin kasabay ang babala ni marcos sa mga manufacturers hinggil sa batas sa profiteering kapag may emergency situation.