“Dapat mag move on na tayo!”
Ito ang reaksyon nina Senators Jinggoy Estrada at Robin Padilla sa tanong kung dapat bang mag-apologize ang Pamilya Marcos sa nangyari noong Martial Law na ginugunita ang ika-50 anibersaryo ngayong araw.
Ayon kay Senator Estrada, ano ang dapat na ihingi ng tawad ng mga Marcos at makabubuting mag-move on na lang ang lahat, lalo’t nakakuha ng pinakamataas na boto sa nakalipas na eleksyon si Pangulong Bongbong Marcos.
Iginiit naman ni Padilla na kung may kasalanan man umano si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay hindi naman ito kasalanan ng anak.
Kahit anya sa Relihiyong Islam at Katoliko ay hindi kasalanan ng lahat ang kasalanan ni Adan.
Para naman kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, karapatan ng mga pamilya ng mga biktima ng batas militar ang paliwanag kung ano ang nangyari sa mga mahal nila sa buhay na napatay o nasaktan. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)