Hindi pa rin dapat magpakampante ang lahat sa kabila ng pababa nang trend sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang iginiit ni UP OCTA Research Team member Professor Guido David upang magtutuloy-tuloy na ito at hindi na makapagtala pang muli ng mabilis na pagtaas ng kaso.
Ayon kay David, ngayon pa lamang nakararamdam ng pababang trend sa kaso ng COVID-19 ang bansa simula nang mailagay ang general community quarantine ang malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.
Aniya, kapuna-punang nabawasan na ng halos 50% ang bilang ng mga naitalang bagong kaso sa loob ng isang buwan.
Paliwanag ni Guido, kung magtutuloy-tuloy ang katulad na trend sa bawat susunod na mga buwan, malaki ang posibilidad na nasa mahigit isang daan na lang ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa Disyembre, kada araw.
Mangangahulugan aniya itong ganap nang nakontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at mas marami nang negosyo ang maaaring magbukas.
Sa kabila nito, ipina-aalala ni David ang patuloy na pag-iingat tulad ng pagsunod sa mga umiiral na minimum health standards dahil hindi pa rin naman aniya tuluyang nawawala ang COVID-19.
Dapat careful tayo sa decision making natin kasi nagyon tayo nakikitang pagbaba trend sa buong 6 months [ng community quarantine ng bansa]. Bumababa siya kasi na ECQ o MECQ tayo. Pero ngayon lang tayo naka-experience ng mabab trend habang nasa GCQ tayo. Ibig sabihin ngayon lang tayo nakahanap ng combination ng interventions natin gumagana ngayon. Pero kapag may binago tayo sa mga interventions natin pwedeng bumaliktad ‘yung trend at tumaas na naman so kailangan talaga mag-ingat tayo. ani Guido —- sa panayam ng DWIZ