Inaasahang makikinabang ang publiko at drug developers sakaling mapatunayan ang bisa ng ivermectin laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara kaugnay sa clinical trial ng bisa ng naturang gamot sa mga asymptomatic at mild COVID patients.
Matatandaang inanunsyo ng dost noong Oktubre 17 na bubuo ang bansa ng sariling Ivermectin capsule kung saan nakipagsundo ang kagawaran sa University of the Philippines-Manila College of Pharmacy. —sa panulat ni Airiam Sancho