Nasa limanglibo (5,000) katao ang dumagsa sa Manila bay upang lumangoy at maligo kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay, kahapon.
Partikular na dinumog ang bahagi ng Baseco beach sa Tondo, Maynila sa kabila ng pagbabawal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kasabay ng paglangoy ang paglutang ng mga basura habang nagtayo rin ang iba ng kani-kanilang tent.
Aminado naman ang ilang barangay official na hindi nila kayang pagbawalan ang publiko na maligo sa beach.
Magugunitang ibinabala ng DENR na nangunguna sa inter-agency clean-up sa Manila bay na hindi pa ligtas sa naturang look dahil sa mataas na coliform level.