Inihayag ng Department of Health (DOH) na handa na ang gobyerno at publiko sa pagpasok ng panibagong COVID-19 subvariants sa Pilipinas.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, may kakayahan na ngayon ang bansa sa pagtuklas ng Omicron subvariants na BQ.1, BA.5 at XBB.
Hindi na aniya dapat mag-panic sa bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dahil kontrolado pa ito ng gobyerno.
Samantala, bumaba sa 626 ang panibagong daily COVID-19 cases na naitala ng kagawaran kahapon. —sa panulat ni Jenn Patrolla