Hindi umano dapat katakutan ng publiko ang mga sumusulpot na variants ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni health advocate Tony Leachon hanggat bakunado ng dalawang primary doses at may booster shot laban sa COVID-19 at patuloy na nagsusuot ng face mask ang isang indibidwal.
Sakali man aniyang makaranas ng sintomas ng nabanggit na sakit ay maaaring magpa-antigen test at mag-isolate.
Nilinaw naman ni Leachon na ang Omicron subvariant na BA.5 ay lumalabas sa mga bansang may mababang vaccinationg rate.
Hindi rin aniya nagtala ng maraming bilang ng mga nasawi sa Africa kung saan ito nagmula.