Hindi dapat makapampante ang publiko kahit tatlo pa lamang ang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, Head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit ng San Lazaro Hospital na posible pang tumaas ang bilang, dahil sa higit sa tatlong indibidwal na nahawaan ng kaso.
Tinitignan naman ng eksperto ang pagkakaroon ng Chain of Transmission ng mga taong may sintomas sa pamamagitan ng close contact sa ibang tao.
Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay lagnat, kulani, pananakit ng katawan at ulo, at skin lesion sa paa at kamay.