Muling umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag mag panic–buying ng facemask sa gitna ng 2 panibagong kaso ng corona virus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ipaubaya na ang pag gamit ng mask sa mga health workers na pawang mga frontliners sa pangangalaga sa mga taong may sakit.
Aniya, ang kinakailangan lamang na magsuot ng mask bukod sa mga health workers ay ang mga may nararamdaman o may sakit.
Samantala, pinayuhan naman ni Duque ang mga indibwal na mayroong respiratory illness na iwasan muna ang paglabas ng bahay.
Una nang kinumpirma ng DOH ang dalawang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa kabilang ang isang lalaki na mula sa China habang ang isa pang lalaki ay wala namang travel history mula sa mga bansang apektado ng naturang sakit.