Hindi dapat magpakakampante ang publiko kahit mababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert at miyembro ng vaccine expert panel, may posibilidad pa rin na tumaas ang COVID-19 infections.
Sinabi pa ni Solante na nananatiling mababa ang COVID-19 vaccination rate, lalo na ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster shot at nabawasan rin ang pagsunod ng publiko sa health protocols.
Batay sa projections, posibleng makaranas ang bansa ng COVID-19 surge sa Agosto kasunod ng local transmission ng Omicron subvariant BA.5.