Hindi pa rin dapat magpakampante ang publiko sa patuloy na pagganda ng sitwasyon ng bansa laban sa COVID-19.
Ayon kay acting WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, bagama’t masasabing “worst is over” ang estado ng pilipinas sa usapin ng virus, hindi maaaring sabihin na pangmatagalan na ito.
Maituturing namang very encouraging ang nakikitang pagbaba sa kaso habang stable na rin ang national health care utilization rate.
Mensahe naman ni Dr. Yadav sa publiko, “hope for the best, prepare for the worst,” kasabay ng panawagan na dapat pa ring ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health standards. —sa panulat ni Abigail Malanday