Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na gawin sa mga Al Fresco o open area ang mga pagtitipon ngayong Kapaskuhan.
Sa laging handa briefing sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na mas mabuting magdiwang sa mga open area dahil maayos ang daloy ng hangin dito.
Una nang sinabi ng ilang eksperto na mas madaling mahawaan ng virus ang isang indibidwal na nasa mga kulob na lugar dahil hindi gaanong pumapasok ang hangin dito.
Samantala, ipinaalala ni Cabotaje na hindi pa rin aniya dapat na kalimutan ang pag-obserba sa minimum public health and safety protocols.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio sa panulat ni Airiam Sancho