Aminado ang Department of Agriculture na insufficient o hindi pa rin sapat ang produksyon o suplay ng bigas sa bansa.
Batay sa tala, nasa 95 porsyento lang ang rice sufficiency sa Pilipinas kaya’t kailangan pang mag-angkat ng bigas ang Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ayon kay Agriculture Asst/Sec. Ariel Cayanan, ilan sa mga tinitingnang dahilan ang malalakas na bagyo na dumarating sa bansa gayundin ang pabagu-bagong lagay ng panahon.
Kaya naman hinikayat ng da ang publiko na hangga’t maaari ay iwasan ang pagsasayang ng kanin o kumain lamang batay sa dami ng kayang ubusin.
Ayon sa Philrice, aabot sa isandaan at apatnapu’t apat na kilo ng bigas ang karaniwang nauubos ng mga Pinoy kada taon kung saan, tatlong kutsarang kanin ang nasasayang.