Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang publiko na kumuha ng online courses ng ahensya habang nasa kabahayan bunsod ng Luzon wide enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, magbibigay kabuluhan sa oras ng mga indibidwal ang pagkuha ng online course habang walang pinagkakaabalahan ang mga ito.
Dagdag pa nito, kahit sino, pwedeng kumuha nito dahil walang bayad at walang age limit ang naturang online course.
Sa panulat ni Ace Cruz.