Hinikayat ni Senadora Loren Legarda ang publiko na magsagawa ng environment friendly na fasting o pag-aayuno.
Layon nitong gamitin ang panahon ng mga mahal na araw para labanan ang pagkasira ng kalikasan at mapalakas ang pangmatagalang paggamit sa mga likas na yaman.
Isa aniya rito ay ang pagtulong na bawasan ang carbon emission o pagbubuga ng carbon na siyang pangunahing dahilan ng climate change.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng publiko ay ang paggamit ng mga eco bags o re-usable container kapag namimili upang maiwasan ang paggamit ng plastic, paggmit ng mga LED bulbs gayundin ng mga low wattage appliances.
Kasama rin sa mga maaaring mai-ambag ng publiko ay ang paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura gayundin ang pagtitipid ng tubig.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno