Hinikayat ng CHR o Commission on Human Rights ang publiko na manatiling alerto laban sa mga bantang kontra sa karapatang pantao.
Ito ay matapos na bansagan si Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga “strongman” sa hanay ng world leaders ngayon sa artikulong inilathala ng Time Magazine.
Sa kanyang pahayag sa ika – 31 anibersaryo ng CHR, sinabi ni Chairman Chito Gascon na hindi dapat manahimik ang taumbayan sa mga tumututol sa demokrasya ng bansa.
Dagdag pa nito, dapat na magkaisa ang mga Pilipino at suriin kung patuloy bang nirerespeto ng mga kasalukuyang pulitiko ang karapatang pantao.