Ngayong National Kidney Month, hinikayat ng isang advocacy group ang publiko na maging organ donor para makatulong sa mga may sakit.
Ayon sa Renal Gift Allowing Life for Others o “REGALO”, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong mayruong kidney failure bunsod ng hypertension at type 2 diabetes.
Gayunman batay sa datos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), nananatiling mababa naman ang bilang ng mga pasyenteng napagkakalooban ng organ donors.
Mula sa bilang na 90 nuong 2011, bumagsak na sa 20 ang bilang ng organ donors nuong nakaraang taon.
Dahil dito, hinikayat ng REGALO ang publiko na makiisa sa pag-sign ng kanilang organ donor card para matugunan ang ika pito sa karaniwang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.