Hinikayat ni Department of Science and Technology o DOST vaccine expert panel Dr. Nina Gloriani na magpaturok ng booster shot ang publiko kontra COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Aniya, posibleng kumalat ang nasabing bagong COVID-19 variant sa mga lugar na mababa ang vaccination rate.
Sinabi naman ng World Health Organization na posible pa ring umepekto ang mga naunang nagawang bakuna laban sa Omicron.
Matatandaang inaprubahan ng DOH ang pagtuturok ng booster shot sa mga edad 18 pataas.—mula sa panulat ni Airiam Sancho