Hinikayat ng Department of Health o DOH ang publiko na magsagawa ng fasting o pag – aayuno.
Ito’y upang matulungan ang katawan na makapagpahinga at makabawi sa dami ng kinain nitong Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo, mainam aniyang sanayin ang katawan sa pag – aayuno lalo’t kung maraming nakain sa mga nagdaang okasyon.
Karaniwan na sa mga Pilipino ang paghahanda ng mga pagkaing matatamis at matataba tuwing Pasko at Bagong Taon.
Idagdag na din aniya ang pag – inom ng alak gayundin ang ilang araw na pagpupuyat na nakaaapekto sa sistema ng katawan.