Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente sa pagpasok ng 2019.
Sinabi ni DOE Assistant Secretary Robert Uy na makakatipid ang bansa ng 1,000 megawatts kung ang bawat Pilipino ay magkakaroon ng energy efficient lifestyle.
Ito’y kagaya ng pag-iwas sa phantom load o kuryenteng nasasayang dahil sa appliances na naksaksak pero hindi naman ginagamit.
Dagdag pa ng kalihim, hindi lamang tayo ang makikinabang sa pagtitipid ng kuryente dahil sa mababang bayarin kundi makatutulong rin ito para mas marami pa ang paggamitan ng kuryente sa industriya ng Pilipinas.