Hinihimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko na makibahagi sa 3rd quarter national simultaneous earthquake drill mamayang hapon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, mag-uumpisa ito mamayang alas-2:00 ng hapon kung saan ang sentro ng drill ay sa Strike Gymnasium sa Bacoor Cavite.
Dito naman sa Metro Manila, magiging pilot area ang Sandiganbayan.
Layon aniya ng drill na maihanda ang publiko sa pagtama ng malakas na lindol sa bansa.
Matatandaang iniurong ang dapat sana’y earthquake drill noong September 21 dahil sa idineklarang suspensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa klase at trabaho para sa National Day of Protest.
—-