Hinihikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa gagawing Second Quarter Simultaneous Nationwide Earthquake Drill ngayong araw.
Sesentro ang sabayang pag “duck cover and hold” sa San Mateo, Rizal ganap na alas 2:00 ng hapon.
Layon umano ng aktibidad na ito na ihanda ang publiko sakaling tumama ang malakas na lindol
Sinabi ng NDRRMC na umulan man o umaraw ay tuloy ang earthquake dahil mamaya dahil wala naman aniyang pinipiling panahon ang pagtama ng lindol.