Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na seryosohin ang kanilang panawagan na mag-ingat laban sa sakit na dengue.
Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Batay sa pinaka huling tala ng DOH, aabot na sa 106,000 kaso ng dengue ang naitala sa bansa simula pa Enero hanggang Hulyo.
Umabot na rin sa 491 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit.
Ayon kay Ferchito Avelino, direktor ng DOH epidemiology bureau, may mga paraan para makaiwas sa dengue.
Gaya na lamang aniya ng fogging na isang paraan sa para mapatay ang mga lamok.
Magugunitang nagdeklara noong Hulyo 15 ang DOH ng national dengue alert dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa iba’t ibang rehiyon.