Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang publiko na tangkilikin ang mga Christmas express bus service.
Layon nitong maibsan ang kalbaryo ng mga pasahero’t motorista ngayong panahon ng Kapaskuhan dahil sa matinding trapik.
Ayon sa LTFRB, non-stop o walang hintuan sa pagitan ng ruta ang mga Christmas express bus na bumibiyahe sa 3 point destinations.
Una ay ang mula Trinoma sa Quezon City hanggang Park Square sa Makati; SM North Edsa sa Quezon City hanggang Glorietta 5 sa Ayala Center at mula SM Megamall hanggang Park Square Ayala Center.
Naglalaro naman mula P50 hanggang P80 ang pasahe sa mga express bus depende sa distansya o layo ng ruta.
Maguginitang aalog-alog ang 20 Christmas express bus na bumiyahe nitong Sabado kasabay ng dry run nito.
By Jaymark Dagala