Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources sa publiko na i-recycle ang kanilang mga face shield ngayong boluntaryo na lamang ang paggamit dito.
Inihayag ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda na hindi dapat basta itapon ang mga face shield dahil maaari itong gawing construction materials.
Puwede pa rin anyang itabi na lamang muna ang mga face shield at gamitin sa mga susunod panahon.
Binigyang-diin naman ni Antiporda ang kahalagahan ng pagkakaroon ng recycling strategy ng waste management para sa pagtatapon ng face shield. —sa panulat ni Drew Nacino