Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang publiko na “mag-move on” na kasunod ng naging pasiya ng Korte Suprema sa inihaing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban sa kanya.
Ayon kay Robredo, ito na ang tamang panahon para sabay-sabay na magpatuloy sa buhay ang lahat at iwanan na ang mga sama ng loob, ngayong natapos na aniya ang usapin.
Umapela rin ang Bise Presidente sa publiko na isantabi na ang anumang hindi pagkakaunawaan at pagtuunan na lamang ng pansin ang pagtugon sa mga pinagdadaanang kahirapan ng maraming Filipino.