Nangako ang intertnational food and beverage giant na Nestle na tutugon sila sa panawagan ng environmental activist group na Greenpeace.
Ito’y makaraang mabansagan ang Pilipinas bilang ‘third worst polluter’ sa mga karagatan, sunod sa China at Indonesia dahil sa mga nagkalat na plastic sachet ng iba’t ibang produkto na nakuha sa Manila Bay kamakailan.
Ayon sa Nestle Philippines, nakikipag-ugnayan na sila sa Greenpeace para matukoy ang mga maruruming anyong tubig sa bansa kung saan nakita ang kanilang mga produkto na nakasisira sa kalikasan.
Gumagawa na rin ng hakbang ang nasabing kumpaniya para mapalakas pa ang kanilang recycling at recovery rates sabay paghihimok sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura.
—-