Umapela ang Malakanyang sa publiko , lalo na sa mga botante na magpa-biometrics na para makaboto sa susunod na eleksyon.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte na dapat samantalahin ang pagkakataon dahil hanggang October 31 na lamang ang registration.
Nagti-triple time na aniya ang mga taga-Commission on Elections para makapagparehistro ang mga inaasahang bubuhos sa mga registration centers lalo na sa huling araw.
Sinabi ni Valte na nakapanghihinayang kung hindi makaboto dahil hindi magagamit ang karapatang pumili ng lider na magpapatakbo at magpapaangat sa buhay ng mga Filipino.
By: Aileen Taliping (patrol 23)