Hinikayat ng Malacañang ang publiko na makiisa sa paggunita sa mga araw ng watawat o flag days.
Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan o Independence Day sa Hunyo 12.
Sa bisa ng kautusang ipinalabas ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1998, idineklara nito ang Mayo 28 hanggang Hunyo 12 bilang flag days.
Sinisimbulo nito ang kauna-unahang pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas noong Mayo 1898 nang manalo ang mga rebolusyunaryo laban sa puwersa ng mga Espanyol sa labanan sa alapan sa Imus, Cavite.
Hanggang sa pormal na pagsasapubliko ng watawat ng Pilipinas na iwinagayway naman ni Heneral Emilio Aguinaldo sa balkonahe ng kanyang mansyon sa Kawit noong Hunyo 12 nang taong ding iyon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Mike Alquinto/ NPPA