Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na isumbong sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng contact center ng Bayan Hotline 8888 ang mga nasaksihang kaso ng korapsyon at mabagal na pagkilos ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Sa kanyang State of the Nation Address, inihayag ng pangulo na kanila nang dinagdagan ang mga linya ng hotline 8888 para matugunan ang reklamo ng taumbayan.
Tinukoy din nito ang LTO, SSS, BIR at PAG-IBIG bilang mga ahensiya ng pamahalaan na may pinakamataas na reklamo na natatanggap sa contact center ng Bayan Hotline.
Kasabay nito, muling iginiit din ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang ahensiya at local government units na gawing simple, mabilis at maaasahan ang mga transakyon sa pamahalaan.
“Be assertive at pag kayo o ikaw ay hiningian ng more than the required payment by government at humingi pa sa iyo, I’m telling you, mag iskandalo kayo sa opisina. Make a scene. Sampalin mo yang *pu***g i** na yan kasi aabot rin sa akin yan.” — Bahagi ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.