Hinikayat ng Simbahang Katolika ang taumbayan na makiisa at suportahan ang gaganaping earth hour sa Marso 19.
Sinabi ni Father Benny Tuazon, Head ng Manila Archdiocese’s Ecology Ministry na malaki ang maitutulong kung sabay-sabay na magtitipid ng kuryente.
Ang pagtitipid ng enerhiya ayon kay Tuazon ay malaking bagay upang maisalba ang ating kalikasan, laban sa nagbabagong klima na nagdudulot ng masamang epekto sa mga tao, hayop at halaman.
Inaasahang makikiisa ang 26 na bansa sa earth hour, kabilang na ang pilipinas, kung saan magpapatay sila ng mga ilaw at iba pang appliances.
At ngayong taon, ang earth hour ay gaganapin mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.
By: Allan Francisco