Nilinaw ng Department Of The Interior and Local Government (DILG) na magkaiba ang solidarity trial ng World Health Organization (WHO) at ang national vaccination program kontra COVID-19.
Ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonthan Malaya, limitado lang sa lima hanggang 10 barangay ang isasalang sa solidarity trial partikular na iyong may mataas na kaso ng virus
Kinakailangan din ayon kay Malaya ang nasa 15,000 volunteers na may edad 18 hanggang 59 na taong gulang ang maaaring isalang sa nasabing pagsubok.
Kabilang sa mga pagdarausan ng covid vaccine solidarity trial ang Metro Manila, Cebu at Cavite na nauna nang tinukoy ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Dahil dito, hinimok ni Malaya ang publiko na suportahan ang hakbang na ito ng pamahalaan at ng WHO upang mapataas ang kamalayan sa benepisyong dulot ng bakuna kontra COVID-19.