Tuluy-tuloy pa rin ang botohan para sa mga kandidata ng 2017 Binibining Pilipinas .
Kasunod nito, hinikayat ng mga organizer ang publiko na makiisa sa pagboto sa mga napupusuan nilang kandidata.
Ibinahagi rin ng Binibining Pilipinas organizers ang kanilang website upang duon malaman ang paraan ng pagboto.
Kung boboto naman sa Twitter, gamitin lamang ang hashtag na Binibini at numero ng kandidata o ang hashtag Binibining Pilipinas 2017.
Maaari ring magdownload ng mobile app ng Binibining Pilipinas upang doon bumoto sa paboritong kandidata.
Sa Abril a-beinte otso ang huling araw sa pagboto habang ang coronation night naman ay gagawin sa Abril a-trenta.
By Jaymark Dagala