Hinimok ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association ang publiko na simulan nang bumili ng mga produktong pang-Noche Buena at Media Noche.
Ito’y ayon kay PAGASA President Steven Cua ay dahil sa wala pang naitatalang paggalaw sa presyo ng mag Noche Buena products na siyang kakailanganin ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Cua, magandang samantalahin na ang pagkakataon hangga’t mura pa ang mga produkto mahigit isang buwan bago ang Pasko at Bagong Taon.
Kasunod nito, hindi na rin epektibo ang price freeze sa mga pangunahing bilihin noon pang Nobyembre 3 kahit pa umiiral pa rin ang idineklarang state of emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga nangyayaring karahasan o lawless violence sa bansa.
By Jaymark Dagala