Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang publiko na magsalita at manindigan laban sa mga pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa World Apostolic Congress on Mercy sa University of Sto. Tomas, sinabi ni Pabillo na tungkulin ng bawat isa na ipagtanggol ang karapatan at buhay ng isang tao kahit lulong pa ito sa ipinagbabawal na gamut.
Binigyang diin pa ng obispo na hindi maituturing na insulto ang pagiging mahirap at aba sa halip, dapat silang ituring bilang mga taga sunod ng Panginoon.
Bagama’t minsan na rin siyang binansagang aktibista, sinabi ni Bishop Pabillo na hindi dapat manahimik lalo’t nasa anim na libo (6,000) na aniyang mahihirap ang napapatay dahil lamang sa napaghihinalaang gumagamit o nag-iingat ng iligal na droga.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: CBCP News