Natagpuan na ng mga awtoridad ang ibinaong diaper ng isang dayuhang turista sa buhanginan ng Boracay Island na nagviral sa Social Media
Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, maayos na nilang nai-dispose ang nasabing diaper at umaasa silang maibabaon na rin sa limot ang problemang ito
Magugunitang isinara kamakailan ang buong Station 1 ng Boracay Island makaraang kumalat sa Social Media ang pagiging salaula ng nasabing turista kung saan hinugasan nito ang kaniyang anak na dumumi gamit ang tubig mula mismo sa dagat
Bagama’t hindi naman nakapag-ambag sa pagtaas ng Fecal Colliform Level ng dagat ang nasabing insidente, sinabi ni Antiporda na mali pa rin na gawing palikuran ang karagatan lalo pa ng itinuturing na paraiso ng mga Pilipino
Hanggang sa mga sumandaling ito, sinabi ni Antiporda na hindi pa rin nila natutukoy kung sino ang dayuhang tampok sa Viral Video na nagdulot ng abala para sa maraming turista at lokal na dumarayo ruon